23.11.06
huhuhu
Eto na ang huling post dito...
pero hahayaan ko pa rin na mabasa ang mga dating post. Marami ring naidulot ang blog na to sa kin e. Hehe. Ayan. Isang taon pa lang ang blog na to, kaso ganun talaga, lahat ng bagay may katapusan. Huhu. Wala na akong masabi...isa pang dahilan para tigilan na ang pag-post. Hay. Hmm. Hanggang dito na lang talaga. Fin
the shadow stayed here at 10:38 PM
center>
* * *
30.10.06
magic
antagal kong ndi nagpost. nakakatamad e. chaka wala masyadong malagay. so anyway..
ang october ay isang debut month. andaming nag-debut, andaming nag-party. every week, meron kang pupuntahan. ang saya. hehe. katuwa sobra ung kay gelain! majika theme. tas sa pampanga pa. dun na lang uli ako nakalabas ng metro manila. tas maganda ung place, enjoy ung bus ride, masaya ung program, ganda ng fireworks, sarap mag-pichur! at ung chocolate fountain. ang saya. nakakapagod. hihihi. pero enjoy. tas ano pa ba? ndi natapos dun ung araw na un, kasi me unplanned overnight kina imma. 4am na ako nakatulog. pagkauwi ko sa min...ala na. bagsak na talaga. after nun, ndi muna ako lumagari. di pa kaya ng katawan ko. pero...
fri, the 27th...debut again. kay calai naman. kaiba to. hataw ang mga tao. lalo na sa table namin. simot ung pagkain. parang magic. di ko lam kung bakit, unang beses ngyari sa kin un. tas nun, ang kulit nung dance number. pati ung hotseat. tas overnight uli kina imma. haha. lagi na lang o..ayun. tas...the next day..
sa mall of asia. again, debut ni dianne. nanlibre siya sa sbarro. di kumpleto un without that souvernir. kanina lang nasa table, tas ala na. magic. whee. ayokong gawin un ulit. tama na ang isa. tas, nag-timezone kami. at un, dahil sinisipon na ako..uwi na. yay! rest day...and finally...
monday. today. nanood kami ng the prestige!!!!
ayokong maglagay ng spoilers. so ganto na lang: ANG GANDA PANOORIN NYO!
haha. nakaka-windang. hanggang ngayon napapisip ako sa mga nangyari. magtatagal to sa utak ko. parang gusto kong ulitin tuloy! kaso wag na..hehe. aantayin ko na lang sa dvd. tas ayun. ang ganda ng cast. christian bale at hugh jackman..o diba? ayan. ang saya ng araw na to...
but no! ndi pala. for some reason, me something na biglang sumulpot. na-feel ko to nung sa kfc kami kanina. parang hunch of some sort. me makikita ako na di ko lam kung gusto ko bang makita. tas ayun nga! parang magic, nangyari nung naisip ko right before ako makauwi. mali nga lang ung mga taong inisip ko na involved. pero oh well. ang hirap intindihin. naman. di naman dapat ganto, unless...hay. deny something long enough and you would not know how deep it went. tsk tsk. oh well. never assume anything. and yes, live by the principle. haay. pinaalala pa kasi to ng kapatid ko e. hay. ayoko na. ndi. ayan. tama na! haha. parang magic uli...wala na. kakalimutan ko na lang to. at mag-eenjoy sa natitirang araw ng sembreak. wheeee....
the shadow stayed here at 11:21 PM
center>
* * *
20.10.06
information overload
yet again. haha.
unnecessary information loves me. necesssary information don't.
may nalaman na naman ako kanina tungkol sa isang tao. haha. pinili nyang sabihin yan a. di yan dulot ng chismax. ayun. lagi na lang, pag sembreak o pag walang pasok. parang ito ung info na pumalit sa mga inaaral mo. so ayun. kaya ko sinasabi to, kasi pag naiisip ko ung sinabi nya, napapaisip ako lalo. mejo nakakabigla e pero not in a bad way. hehe. sabihin na lang natin na sobrang na-surprise ako. ung reaction ko kanina ay.."talaga?", "kelan pa yan?", "close pla kyo?"...mga ganung tipo. haha. e kasi naman e. never saw it coming. hihihi.
so that was for the unnecessary part, the necessary info is what i have to study. 12 hours to my final ordeal. so i guess better get back now. matatapos na lang ung sam's town, same chapter pa rin ako. ayan.
sembreak! we shall be together soon. =)
the shadow stayed here at 10:59 PM
center>
* * *
14.10.06
the year that was
current blog stats:
posts: 112
hits: 1170
emotion: a lot
sa mga tao nagbabasa nito, mag-tag naman kayo! haha. but seriously, sa mga dumadaan dito, sori kung di masyado entertaining, pero salamat sa mga oras nyo! :)
ngaun na lang ako nagpost ulit, kasi sunday naman bukas, lang pasok so ayun. sobrang busy na e. argh. pati sa 21 me gagawin pa ako, e debut ni gelain un. wah. kaya yan. at gusto ko ng ma-feel ang sembreak talaga. marami akong balak! haha. nako naman. Godbless s ting lahat.
updates for october posts last year(isang adventurous month):
1) bakit may blog?
umm. ayun nga. the same reason still. mas mabuting i-unload dito ang majority of the emotional baggage. pero ung root of all reasons, partly wala na. partly kasi, haven't heard again. tagal na. but i don't think it's not that bad.
2) kape
eto di related, pero gusto ko ng kape. tinatawag ako ng starbucks. mmmmm...
3) joke time
me salamin na ako. pero di ko laging suot. pang-pc and other eye-straining stuff lang.
4) post dated 10.19
let u = x, then integrate. then erase. nuff said. haha.
5) buffer
buffer is active. tingin ko may space pa sa buffer para dun sa #4. or i don't know. haha.
6) anino
once a shadow, always a shadow. nothing much have changed.
7) bt
umm. ewan.
8) sulpaduhang G
ung hirap na naramdaman ko sa buong araw na to, mga 2 oras lang ay mararamdaman mo na sa isang typical eee exam. wheee. more exams to come.
9) smoke
less smoke. good.
10) strike
lucky strikes this year. thank God!
11) bagot
done.
12) isang daan
ayan. parang ganto lang rin un e. dito ko na rin tatapusin ung updates ko.
nawa'y sembreak na talaga. at sana maayos na ang crs, at sana pwede mag-early exam sa eee13. at marami pa...............nako. i need sleep.
sam's town and cafe bossa. nice! :D
v for vendetta bukas!
ciao~
the shadow stayed here at 11:41 PM
center>
* * *
1.10.06
smile like you mean it
smile like you mean it..(lss. certified victim of The Killers.)
andami nangyari last week.
dahil sa bagyo, walang pasok. di kita nakita. di ko alam kung pareho pa rin tayo ng kulay. haha. tapos na-delay ang test sa math. na-delay ang paggawa ng mp. walang kuryente ng ilang araw. walang magawa. nag-practice for bandit. kumanta ng rain song. kumanta ng ibang rain song(ako lang: "rain rain go away..."). nag-practice uli for bandit. di natuloy ang bandit. me nanglibre sa yellow cab(haha salamat colin!) kaya nakumpleto na ang 3-part italian dining. nagkaroon din ng time para matulog. pagkagising me kuryente na. kaya pumasok sa school at...
waw. up ba ito?
dahon. sanga. ugat. puno. nagkalat.
sayang ala akong picture. literal na dinaanan ng bagyo. tas alang kuryente sa school. mapapangiti ka ba nyan?
pero kahit ganun, marami pa ring magandang nangyari. sabihin na lang nating sukatan ng paniniwala. at...mas napabuti, mas napalakas. kaya smile pa rin. and i mean it.
woohoo UP. bagong UP. whee.
****
me share ulit akong pic.
1 month old na pamangkin ko(sa pagkakaalam ko pamangkin ko sya):
si Gyan
another shot(?):
di maganda ung kuha sa second shot no? compared dun sa una. bale kasi, ung pic na una live shot. ung pangalawa, scanned kasi. ala pa kasing digicams nung panahong kinuha ang live shot ng second pic. mga anong taon un, 1988. yep. got that right. ako ung nasa second pic. haha. katuwa magkamukha kami. interestingly, parehong tao ang may hawak sa min on both pictures. hahaha.
sam's town in a few days. sweet.
cheers!
the shadow stayed here at 5:16 PM
center>
* * *
24.9.06
blessed
i feel so blessed today.
sobra, pero di lang ngayon, pati na rin sa nakaraang 18 taon ng buhay ko. God works in mysterious ways. ang galeng talaga!
God is good! All the time!
sa inyong lahat, maraming maraming salamat! wheee. =)
ngayon, bagong chapter na naman. wheee.
ay! ang saya!
share ko ang isa sa mga reason...
Wentworth Miller (Michael Scofield of Prison Break)
di ka ba mapapangiti pag nakikita mo yan? hahaha. :D
the shadow stayed here at 10:39 PM
center>
* * *
17.9.06
rational
madalas ang mga post sa blog na to, kung hindi ung karaniwang panyayari sa araw-araw, mga kadramahang di maintindihan. kung di maintindihan, bat pa nilagay diba?
minsan naisip nyo na rin cguro kung bakit di ako nagsasabi ng mga bagay tungkol sa kin. madalas mga sinasabi ko ay mga reaksyon lang sa kung anu-ano, pero wala o konti lang talaga ung mismong tungkol sa kin, o minsan, talagang pinipili ko lang kung sino sasabihan. at ung tungkol sa kin na un, un pa ung tipong wala lang. di ung maalala mo talaga.
di un dahil wala akong tiwala sa mga tao. meron. kaya lang, ang problema ko, di ko masabi ng matino ung dapat kong sabihin. merong concrete thought sa utak ko. pero andun lang un. di sya nailalabas. i can't make my case. subukan ko man, at sinubukan ko na ng maraming beses, ganun lagi ang kinalalabasan. at ang epekto nyan, nagiging cryptic ang mga sinasabi ko. di malinaw, puno ng doubts, ambivalent.
kung bakit ako ganito, di ko alam. bahagi na rin siguro yan ng nature ko, being secretive, background worker, away from the limelight blah blah blah. i'm always here, but you don't see. hence, the shadow. ang anino. pwede ring epekto ng pagiging libran. sinabi lang sa kin ng kaibigan ko ng isang araw, "ung mga libran, mga problema kadalasan sinasarili tas iniiyak lang. tas nun ok na.". how true. how true.
ang galeng, isang simpleng bagay, nagpaparealize sayo ng marami pang bagay. kaya mas nagiging komplikado ang buhay. at eto na naman ako. di ko masabi ng maayos ang dapat nasa part na to. lagi na lang. marami ganto sa ibang post ko. pero sa lahat siguro sa mga post dito, ito na ang pinakamaayos at pinaka-unbiased. kasi ngayon, inaalis ko lahat ng reserve sa sarili ko. para masulat ko to ng maayos at malagay ko ung dapat kong sabihin. at so far, tingin ko, nagawa ko naman. sana nga tama ako.
the shadow stayed here at 10:51 PM
center>
* * *
mga boses
anino'
to them
recent shadows
lightbringer count
credits
kat
seventeen
libra
bassist
aspring engineer
psycho
lost
Silicon Carne
Yahoo!
Google
The Hunger Site
CG Soc
UP ERG
|james|
|dean|
|anna|
|yela|
|larz|
|jeni|
|dyosa imma|
|calai|
|leoooo|
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
faded midnight
anime visions
project zero
breaking
benjamin
blogskins
blogger